don't pull me out ([info]pinggoy) wrote,
@ 2007-02-13 04:14:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
late tribute

the late Elmo Redrico, in Imahe Nasyon's "Local Unit" by Tad Ermitano

Nung una kong nakakasama si Ka Elmo, OA na actor ang tingin ko sa kanya. Palaging intrusive at hyper ang kanyang energy, dilat na dilat lagi ang mata at parang sarcastic lagi magsalita (think Robin Padilla). Pero nung napanuod ko siya sa kanyang more recent works gaya ng Kubrador at Imahe Nasyon, ako ay napahanga na niya. Kung dati e Robin Padilla, ngayon ay Marlon Brando na. :)

Simula noon e inabangan ko kung saang indie film naman sunod na lalabas si Ka Elmo. Huli kong nakausap si Ka Elmo, bago siya tinamaan ng isang fatal heart attack nung August 2006, ay sa screening ng Kubrador sa UP Cine Adarna. Nagtatanong siya tungkol kay Miss Amor ng Star Cinema, na siyang tumulong ng malaki sa marketing ng Maxi at ngayon ay manager na ng dalawang budding talents sa industriya ngayon, si JR Valentin at Soliman Cruz.

E nagkataon na nakuwentuhan ako ni Sol tungkol sa laking gaan ng buhay niya nung dumating si Amor, na halos napaisip ako kung bakit ako e ayaw kumuha ng manager? Kaya sabi ko kay Ka Elmo, good choice yan! Natutuwa talaga ako noon para sa kanya. Kasi napakagandang nilalang ni Ka Elmo nung araw na yun sa Cine Adarna. Isa siyang nilalang na punung-puno ng excitement at pag-asa.

Laking gulat at sayang lang nung nakuha ko yung text tungkol sa pagpanaw niya. Nung binabasa ko yun, medyo walang sense lang talaga. Kasi, si Ka Elmo yun e. Hindi namamatay ang mga ganung tao. Pero naisip ko rin, malakas siya uminom. Malakas siya manigarilyo. Tapos ang hyperactive niya. Tipong kayang dilat ng isa buong linggo na walang tulog. Malaki ang puso ni Ka Elmo, pero gaya ng lahat ng bagay, bumigay na rin. Ayun sa wakas, may sense na rin.

Tunay talaga, isang kakaibang karakter ang nawala sa aming maliit na industriya. Umaasa ako noon na makikita ko ang pagusbong ni Ka Elmo bilang actor. Pero okay na yun siguro. Kasi alam mo naman, magkikita-kita rin tayo diba? Kaya relax mo lang puso mo diyan, Ka Elmo. Patuloy lang kami dito. :)



Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…